Tips at Gamot Para sa Sipon ng Baby

Admin
November 30, 2021


article image

  • Sinisipon si baby? Ang mga sumusunod ay sintomas ng sipon sa mga sanggol:

     

    • • Barado ang ilong
    • • May tumutulong sipon na walang kulay o maaring kulay yellow o green
    • • Madalas na pagbahing
    • • Pag-ubo
    • • Matamlay
    • • Nababawasan ang ganang kumain
    • • Hirap makatulog
    • • Nagsusuka o nagtatae
    • • Lagnat

     

    Dahil unti-unti pang nabubuo ang immune system ni baby, mas mabilis siyang magkasakit tulad ng sipon.

     

    Ano nga ba muna ang sanhi ng sipon? 

     

    Mga Posibleng Sanhi ng Sipon:

     

    Ang sipon o common cold ay impeksyon ng ilong at lalamunan, partikular sa upper respiratory tract. Madalas na sanhi nito ay rhinoviruses na maaaring makuha sa mga sumusunod:

     

    1. 1. Paglanghap ng air droplets mula sa pag-ubo, pag-bahing o pagsasalita ng taong may sipon.
    2. 2 .Paggamit ng mga infected na bagay gaya ng kubyertos, laruan o tuwalya.
    3. 3. Pagkipagkamay o paghawak sa taong may sipon.

     

    Upang mabigyang-lunas ang sipon, ito ang ilang mga tips at paraan para mapabilis ang paggaling ni baby:

     

    1. Paggamit ng bulb syringe o nasal saline drops

     

    Kapag barado ang ilong ng inyong baby ay siya ay nahihirapang huminga, matulog, at kumain. Pwedeng gamitan ng Saline Drops ang inyong baby upang matanggal ang nakabarang sipon. Maglagay ng isa hanggang sa dalawang patak ng Saline para mapalambot ang sipon sa ilong ni baby. Maari rin gumamit ng nasal bulb, ang hugis bombilyang rubber device na sumisipsip ng sipon para maiwasan ang baradong ilong.

     

    Maaari niyong itanong sa inyong doktor ang kanilang recommended brand ng Saline drops. 

     

    2. Regular na painumin ng tubig si baby

     

    Ang pag inom ng maraming tubig ay nakakapag palambot ng sipon o uhog sa ilong. Para mabawasan ang baradong sipon sa ilong ni baby, regular na painumin siya ng maraming tubig nang mas madali niyang mailabas ang plema. 

     

    3. Breastfeeding

     

     

    Ayon sa Department of Health (DOH), ang breastfeeding ay isa sa mga pangunahing uri ng proteksyon ng bata laban sa mga sakit. Hinihikayat ng DOH at World Health Organization (WHO) ang exclusive breastfeeding o gatas lamang ng ina ang ibibigay sa mga sanggol sa unang anim na buwan nila. Ang gatas ng isang ina ay mayroong antibodies na kayang labanan ang bacteria at viruses sa katawan ng kanyang anak. Pinoprotektahan nito ang baby mula sa organisms na maaaring nakakapagpababa ng kanyang resistensya. Bukod dito, inirerekomenda ng mga eksperto na ipagpatuloy ang breastfeeding sa mga bata hanggang edad 2 taong gulang kasabay ng paunti-unting pagpapakain sa kanila ng solid food. 

     

    4. Painumin ng honey at kalamansi

     

    Kapag ang iyong anak ay one year old pataas, pwede rin silang bigyan ng honey at kalamansi para paginhawain ang pakiramdam mula sa sipon. Bago matulog, bigyan ng kalahating kutsarita ng honey na may katas ng isang maliit na kalamansi.

     

    5. Pakainin ng prutas at sabaw

     

    Para naman sa mga baby na nagsisimula nang kumain ng solid food, maaring samahan ang kanilang baby food ng masusustansyang pagkain gaya ng gulay at prutas na sagana sa Vitamin C. Ilan sa mga halimbawa ng pagkaing mataas sa vitamin C ay ang malunggay, spinach, papaya, at citrus fruits tulad ng kalamansi, dalandan, lemon, at orange. Upang mas guminhawa ang kanilang pakiramdam, maari rin silang pahigupin ng maligamgam na sabaw. Paalala lamang, bawasan ang mga pampalasa sa pagkain nila upang maiwasan ang mga sakit na dala ng sobrang pagkonsumo ng pagkaing maraming preservatives at seasonings.

     

    6. Ugaliing i-check ang temperature ni baby

     

    Bukod sa mga sintomas na nabanggit at mga pagbabago sa behavior ni baby, mahalaga ring imonitor ang temperature niya gamit ang thermometer upang maagapan ang anumang karamdaman. Kapag ang body temperature ni baby ay lampas 35.7 ° C,  ito ay lagnat na. Ikonsulta agad sa inyong family pediatrician kapag umabot nang 38 °C pataas ang temperature ni baby. 

     

     

    Kapag naman ang baby na 3 months below ay nilalagnat, tumawag agad ng doktor para kumunsulta.

     

    Paano maiiwasan ang sipon para sa baby?

     

    Wika nga, “prevention is the best cure”. Bukod sa pagkonsulta sa pediatrician, tamang nutrisyon, at pag-aalaga, mahalagang tandaan ang mga sumusunod upang maiwasan ang pagkakaroon ni baby ng sipon o kahit na anong sakit:

     

    1. 1. Huwag ilapit si baby sa mga taong may sintomas o may sakit
    2. 2. Huwag madalas na ilabas si baby sa pampublikong lugar para iwasan na makasagap ng viruses si baby
    3. 3. Ugaliing maghugas ng kamay lalo na pag hahawakan si baby
    4. 4. Regular na linisin ang mga laruan ni baby gamit ang antibacterial dishwashing liquid at tubig
    5. 5. Dapat may sariling gamit na pangkain si baby tulad ng plato, baso at kubyertos, at regular itong hugasan 

     

    Para protektahan si baby, laging tandaan ang mga tips at paraan ng mga ito para iwas sakit si baby! 

     

    Sources: buhayofw.com, healthline.com, webmd.com, caro.doh.gov.ph,


    Image sources: onlyyouqj from Freepik, cookie_studio from Freepik, pressfoto from Freepik,