Back-to-School: Nutritious Baon Ideas for Kids

Admin
September 2, 2022


article image

  • Dahil back-to-school na ang ating mga anak, kailangang meron tayong kaakibat na nutritious baon ideas na maibibigay sa kanila habang sila ay nasa school. 

     

    May mga school na face-to-face na ngayon kung magklase at hindi na natin mababantayan kung ano ang kinakain ng ating mga anak. Mahalagang ipapabaon natin sa kanila ay masarap at masustansya, para siguradong healthy pa rin ang kanilang kinakain kahit na wala tayo sa tabi nila. 

     

    If you’re looking for baon ideas for your kids, here are five healthy and tasty meals for your kids’ next lunch! 

     

    5 Nutritious Baon Ideas for Kids

     

    Chicken Fajitas 

     

     

    Ang Chicken Fajitas ay isang easy-to-make wrap dish na mataas ang Vitamin A content na nakatutulong sa pagmaintain ng healthy skin at vision. Ito rin ay isang source ng iron na kailangan ng katawan para sa red blood cell formation. Dahil ito ay isang wrap dish, makasisigurado dni tayo na hindi magkakalat ang ating anak sa pagkain nito.

     

    Ang Chicken Fajitas ay gawa lamang sa roast chicken, carrots, cucumber, at tortilla. Ang dressing naman nito ay puwedeng gawin gamit and crushed pineapples, mayonnaise, red onion, salt, and pepper. 

     

    Pinoy Spaghetti

     

    Image from Food Network

     

    Who says that Spaghetti is only for special occasions? Gawing special ang face-to-face classes ng ating mga anak sa pamamagitan ng pagsurprise sa kanila with their favorite Pinoy Spaghetti as their baon. Maliban sa madali lang ito gawin, maari din natin itong ihanda ahead of time sa pamamgitan ng paggawa ng sauce in advance upang iinitin nalang ito sa araw ng pasukan. Para hindi ito mapanis agad, ibukod ang pasta at sauce sa paglalagay sa baonan.

     

    Maari din nating samahan ito ng garlic bread for extra texture at flavor. 

     

    Hearty & Healthy Clubhouse Sandwich 

     

    Image from Lady’s Choice

     

    Ang clubhouse sandwich ay isang paraan upang maipabaon sa ating mga anak ang isang healthy meal that’s also easy to prepare. Dahil ito ay may mixture na ng meat at gulay, makasisigurado tayong mga mommies na makukuha ng mga bata ang nutrisyon na kailangan nila to make their days at school better.

     

    For added flavor, samahan ito ng sweet potato chips o fries para magkaroon din ng snacks ang mga anak natin. Maari ring magmix-and-match ng mga gulay at karne para magkaroon ng mas malawak na palate ang mga bata.

     

    Tofu Nuggets 

     

    Image from LifeGetsBetter

     

    Kung meat-free naman ang hanap natin, puwedeng ipabaon sa ating mga anak ang Tofu Nuggets served in sweet barbecue sauce. Ito ay may protein at maaaring maging source ng iron and calcium. 

     

    Para mas masarap ang ating Tofu Nuggets, we advise deep-frying them before adding the sauce for added crunch and flavor. Maari din itong iserve with pineapple tidbits for extra flavor. 

     

    Hamburger Patties 

     

    Image from Tori Avey

     

    Maliban sa madaling lutuin, ang hamburger patties ay isang paraan upang mapakain ng gulay ang ating mga anak na picky eater. Puwede natin haluan ang patty ng iba’t-ibang gulay upang maitago ang mga ito bago ifry ang patty. That way, you can still ensure they get their daily dose of veggies and fiber! Maari din nating lagyan ito ng cheese para mas maging masarap ito at para mas lalong maenjoy ng mga bata. 

     

    Para mas maging firm ang mga patties, magdagdag ng oatmeal at ng flour sa ating mixture. Serve with their preferred sauce para kumpleto ang meal. 

     

    3 Baon Tips for Moms 

     

    May mga ilang bagay na kailangan nating i-consider bilang mga ina para sa ating mga anak, para sure tayong nakakakain sila nang mabuti kahit wala sila sa bahay. Kailangan nating makatiyak na masarap at masustansya ang baon nila para magkaroon sila ng energy throughout the day. 

     

    Narito ang tatlong tips upang masigurado nating ang maipapabaon sa kanila ay gusto nila at makakain nila sa school. 

     

    Mas Matipid at Masustansya ang Home-Cooked Meals 

     

    Mas makasisigurado tayong mga mommy na healthy and ating mga anak kung tayo ang maghahanda nito sa bahay. Mainam na iwasan ang mga pre-packaged at convenience store food. Kadalasan, ang mga prepackaged food items ay mataas sa fats (saturated at trans fats), salt, at added sugars. Mas mainam at mas budget-friendly kung tayo mismo ang magpeprepare ng baon ng ating mga anak sa bahay, dahil makapipili tayo ng mga sangkap para dito. 

     

    Siguraduhin na Madali Itong Kainin 

     

    Mommies, tandaan na nag break time ng ating mga anak ay oras din nila sa pakikipaglaro sa kanilang mga kaklase. Siguraduhinng ating ipapabaon sa kanila ay madaling kainin upang makakakain sila nang husto at para may oras pa sila para sa ibang activities.

     

    Humingi ng Feedback sa mga Bata

     

    Tanungin natin sila kung may mga preference o suggestion ba sila sa mga baon nila para mas mag-enjoy sila sa pagkain nito. Mas likely na kainin ng mga bata ang pagkain na gusto nila, kaya importante na may input sila sa kung ano ang ibabaon nila sa school. Gawin nating habit bilang mga mommies na tanungin ang mga bata kung ano ang gusto nila, para mas sure tayo na kakainin nila ito. 

     

    Hindi naman kailangang maging “fancy” ang baon ng ating mga anak. Ang pinakamalahaga: masarap, masustansya, at gusto nilang kainin ito. Higit sa lahat, remember to cook with love– trust us, it makes a world of difference.

     

    Happy baon prepping! 

     

    Sources: