Boss Moms: Managing Work-Life Balance as a Working Mom

Admin
September 26, 2022


article image

When you’re a working mom, juggling work, taking care of your family, and other responsibilities can be quite challenging. Ang pagbibigay halaga sa iyong work-life balance at ang pagtukoy paano ito i-maintain para maging successful sa iyong iba’t-ibang roles bilang isang working mom ay makakatulong upang mas mabuting ma-manage ang iyong time at responsibilities. In this article, we hope to shed light on what work-life balance is, how to maintain it, and why it is important. 

 

Ano ang Work-Life Balance?

 

Ang salitang “work-life balance” ay naging isang catchphrase na among working moms. Gayunpaman, tulad ng maraming bagay, ang phrase na ito can mean different things sa iba’t-ibang tao. Kaya ano nga ba talaga ang work-life balance? At posible nga bang magkaroon ng balance between work and life? Ang work-life balance ay ang relasyon sa pagitan ng iyong trabaho at iba pang mahahalagang factors ng iyong buhay, tulad ng iyong pamilya, mga kaibigan, ang iyong hobbies, at iba pang mga ganap sa iyong buhay na nakakapagbigay ng saya. Ang pagkakaroon ng balanse sa iyong trabaho at buhay ay isang angarin ng nakararami. Hawak nito ang susi sa higit na kaligayahan at mas mabuting pamantayan ng pamumuhay.

 

Boss Moms: Paano Mag-Maintain ng Work-Life Balance?

 

Find your Definition of Balance

 

 

Finding your own idea of work-life balance takes time, and everyone’s journey is unique. Ang paghahanap kung ano ang naaangkop para sa iyo ay mahalaga dahil ang definition ng ibang tao tungkol sa success ay magkaiba. Kaya naman, huwag mong ikumpara ang iyong sarili sa ibang tao dahil magkaiba kayo ng goals, paniniwala, at sitwasyon. What works for others might not be well-suited for you, but that’s okay. Ang pag-intindi at pag-prioritize ng iyong sarili at kung ano ang iyong needs ang mas mahalaga. 

 

Use Time-Saving Hacks

 

Using time-saving hacks will help you keep your work-life balance. Posibleng matutunan kung paano balansehin ang trabaho, pamilya, at paglilibang. Sinuman ay maaaring matuto ng mga tricks sa pagtitipid ng oras at kung paano sulitin ang iyong oras sa tamang paraan. It might be challenging to balance work and life, but you can make it easier with time-saving work hacks to help you get most of the stuff you need to do for each day achieved.

 

Practice Self-Care

 

When you’re balancing your work and life, it can be easy to forget to take care of yourself. Gusto ng lahat na magtrabaho nang mas mahusay, ngunit madalas nilang nararamdaman na parang wala silang sapat na oras para sa kanilang sarili. Ngunit, kahit na madalas na tila imposible, mayroong isang paraan upang panatilihing balanse ang lahat at isa na rito ang pagbibigay oras na alagan ang sarili. It is important that you let yourself do an amazing job while still finding the time to take care of oneself while also being available for friends and family.

 

 

Disconnect to Reconnect

 

In order to reconnect with ourselves and those around us, we occasionally need to turn off our electronic devices and just be focused on the present. Upang mapanatili ang ating physical at emotional health, dapat tayong lahat ay handa na mag-set ng boundaries, mag-iskedyul ng oras para sa pangangalaga sa sarili, at limitahan ang dami ng oras na ginugugol natin sa harap ng ating mga screens. Disconnection is a essential factor of taking care of our emotional health and well-being.

 

Be Kind. Don’t Judge

 

Don’t be critical of others and be kind. Ito ay isa sa mga pinaka-challenging na bahagi ng pagkamit ng work-life balance. Pagdating sa pamumuhay sa labas ng trabaho, bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang prinsipyo, paniniwala, at pamantayan na ating sinusunod. Ang pagtiyak na masaya tayo sa buhay, pagiging mabuti sa kapwa, at paggugol ng oras sa ating mga pamilya ay lahat ng mga halimbawa kung paano ginagawang mas madali para sa atin na pamahalaan ang stress ng pagkakaroon isang healthy na work-life balance. Life is already hard as it is, there is no need to add more stress. 

 

Be Realistic 

 

Understanding just how challenging it is to achieve a healthy work-life balance is crucial. Though there are many factors to consider, the first step is to be realistic about the circumstances. Nais ng lahat na mabalanse ang kanilang trabaho at personal na buhay, ngunit karamihan sa mga tao ay nahihirapang gawin ito batay sa iba-ibang sitwasyon at factors sa buhay. Ngunit, kailangan mag pursigi at intindiin na kahit hindi madali ang proceso, ang importante ay alam mo ang halaga nito at kung papaano mo ito mai-adapt sa iyong sarili.

 

Portrait of beautiful business woman holding her cute little baby while sitting at the table and working on laptop

 

Is Work-Life Balance Important for Moms?

 

Work-life balance is an essential topic for both men and women, and it is especially significant for working moms. Ang pagpapalaki ng isang pamilya at ang pagtrabaho, ay maaaring maging mahirap, pero hindi imposible. Ang work-life balance ay mahalaga para sa isang malusog na pamumuhay, lalo na kapag nagpapalaki ng isang pamilya. Kung ikaw ay nagtatrabaho, ang pagkakaroon ng naaangkop na balanse ay maaaring magbigay-daan sa iyong mamuhay ng masaya sa kung ano ang gusto mong gawin. Kapag ikaw ay isang working mom, hindi ka na lang mag-concentrate sa isang elemento ng buhay mo. Ang pag-aalaga sa iyong mga anak at kasamahan ay mauna at dapat ipaubaya sa iyong pamilya pagkatapos ng mga oras ng trabaho. 

 

Ang trabaho ay mahalaga, ngunit hindi mo dapat kalimutan na magkaroon ng oras para sa iyong pamilya at mga kaibigan. Ang pagkakaroon ng work-life balance ay isa sa pinakamahalagang bagay sa buhay na dapat makamit at panatilihin. Posibleng i-maximize ang iyong oras habang nagsasaya pa rin sa labas ng trabaho. Ang pagpapanatili ng balanse sa pagitan ng iyong personal at propesyonal na buhay ay maaaring maging mahirap, ngunit isa ito sa mga salik na nakakatulong sa ating kaligayahan at katuparan sa buhay.

 

Sources: