preschool

5 Kwentong Bayan na May Magandang Aral Para sa mga Bata

November 30, 2021

Naiinip na ba ang inyong mga anak at naghahanap ka ba ng bago nilang pinagkakaabalahan? Isa sa mga maiinam na paraan ng pagturo ng kabutihang asal sa mga bata ang kwentong bayan. Bukod sa ito’y masining, mas nakikita nila ang mga scenario at nagiging pagkakataon din ito upang mas lalong lumago ang bond ninyo sa isa’t-isa. Ano nga ba ang kwentong bayan? Ang mga kwentong bayan o folklore sa Ingles ay mga kwentong tungkol sa mga likhang-isip na tauhang kumakatawan sa iba’t ibang uri ng mga mamamayan. Ito ay may malaking ginagampanang papel sa panitikan natin mga Pilipino dahil ito ay tumutukoy at nagdadala ng ating kaugalian at mga tradisyon.  Mula sa pangalan nito na kwentong bayan ay madalas ito tumutukoy sa mga kasaysayan ng mga iba’t ibang lugar o kung paano at saan nagsimula ang pangalan nito. Ilan rin sa mga kwento ay tumutukoy sa mga pinagmulan ng mga bagay na madalas nating makita sa ating paligid. Higit sa lahat, ang mga kwentong bayan ay nagdadala ng mga aral na pwedeng matutunan ng mga bata pati na rin ng mga matatanda! Mula sa pangalan nito na kwentong bayan ay madalas ito tumutukoy sa mga kasaysayan ng mga iba’t ibang lugar o kung paano at saan nagsimula ang pangalan nito. Ilan rin sa mga kwento ay tumutukoy sa mga pinagmulan ng mga bagay na madalas nating makita sa ating paligid. Higit sa lahat, ang mga kwentong bayan ay nagdadala ng mga aral na pwedeng matutunan ng mga bata pati na rin ng mga matatanda! Ang sumusunod ay ang apat na uri ng kwentong bayan: 1. Alamat Ang mga alamat ay mga sanaysay ng mga kwentong paano nabuo o ano ang pinagmulan ng isang bagay, pook, tao o hayop.  2. Mito Ang mga mito ay mga kwentong tungkol sa mga diyos at diyosa at kung ano ang kanilang papel sa mundo at buhay ng mga tao. 3. Parabula Ito ay mga kwentong kapupulutan ng mga aral. Madalas na makukuha ang mga kwentong parabula sa Bibliya. 4. Pabula Ang mga pabula ay mga kwentong kung saan ang mga tauhan ay mga nagsasalitang hayop o bagay. Ito ay madalas na kwentong may aral kung saan ipinapakita ang pag uugali ng isang tao o ang kanilang katangian sa mga tauhan netong hayop o bagay. Heto ang ilan sa mga kwentong bayan na maaari mong ibahagi sa inyong mga anak: 1. Kwento ni Juan Tamad Ang kwento ni Juan Tamad ay isa sa mga sikat na kwentong bayang itinuturo para sa mga kabataan. Isinasalaysay nito ang katamaran ni Juan Tamad. Isang araw, siya ay inutusan ng kanyang ina na bumili ng alimango sa palengke. Nang siya ay pauwi mula sa palengke, naisipan niya muna matulog sa ilalim ng puno. Pinakawalan niya ang mga alimango at inutusang umuwi sa kanila at itinuro kung saan ang daan. Nang siya ay nagising sa kanyang siesta, dali-dali siyang umuwi sa kanila at nakita ang kanyang ina na iniitay siya. Itinanong ng nanay niya nasaan ang mga alimango at sinabi nito na pinauwi na niya kanina pa. Ngunit wala ang mga ito. Ang aral ng kwento ay huwag magiging tamad at sundin agad ang utos ng mga magulang.  2. Ang Matsing at Pagong Isa ito sa mga pinakasikat na pabula ng bansa dahil ito ay akda ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal, ang kwentong Ang Matsing at Pagong ay kwentong bayan na nagsasalaysay ng kahalagahan ng pagiging isang tapat na kaibigan.  Ang kwento ay tungkol sa dalawang magkaibigan na sina Matsing at Pagong. Isang araw may natagpuang halamang saging ang magkaibigan at pinaghatian nila ito para itanim. Kinuha ni Matsing ang taas na bahagi nito dahil ang akala niya ay mas bubunga ito kesa sa ugat ng puno na nakuha naman ni Pagong. Namatay ang tanim ni Matsing at ang ugat naman ay namunga ng mga saging ngunit hindi ito kaya akyatin ni Pagong. Kaya inakyat neto ni Matsing ngunit siya ay naging makasarili at kinain lahat ng saging. Bilang paghihiganti, pinaligiran ni Pagong ang puno ng mga tinik na nakasakit kay Matsing. Ang aral na makukuha sa kwentong bayan na ito ay huwag maging makasarili at madamot ngunit matutong mapagbigay sa kapwa.  3. Alamat ng Pinya Ang alamat ng Pinya ay isa sa mga kwentong bayan na may maidudulot na aral para sa mga bata. Ibinabahagi neto ang kwento kung saan nagmula ang Pinya sa pamamagitan ng kwento ni Pinang, ang batang maganda ngunit ay napaka tamad at bihira gamitin ang kanyang mga mata sa paghahanap ng mga bagay sa bahay. Dahil sa kanyang katamaran, hiniling ng kanyang ina na siya’y magkaroon ng 100 na mata para mas mabilis makita ni Pinang ang mga bagay na pinapahanap sa kanya. Ngunit kinabukasan ay naglaho si Pinang at isang prutas na may 100 na mata ang tumubo sa bakuran ng kanilang bahay ang natagpuan ng kanyang ina. Ang aral ng kwento ay isang paalala sa mga anak na iwasan na maging tamad sa bahay.  4. Inang Kabundukan Ang kwento ng Inang Kabundukan ay isang kwentong bayan na nagbibigay aral na mas maging mabait ang mga anak sa kanilang mga magulang lalo na sa kanilang mga nanay. Kinukwento nito ang kapalaran ng dalawang batang nais lamang maglaro sa maghapon. Ang tanging hilig lamang ng kanilang nanay ay sila ay maghanda ng kanilang hapunan sa oras na siya ay umuwi galing sa trabaho. Ngunit pagkauwi niya ay wala ang kanyang dalawang anak kaya mag-isa siyang naghain ng hapunan. Nang dumating ang dalawang anak, hindi nila tinulungan ang kanilang ina sa paghahanda at nagpatuloy lang sa paglalaro. Dahil dito, tahimik na lumisan ang kanilang nanay. Nang hanapin ng dalawang magkapatid ang kanilang ina ay huli na, nag-hugis bundok na siya at tinawag na “Bundok Iraya.” Ang aral ng kwentong ito ay maging mabait at matulungin sa ating mga nanay.  5. Bakit may Kaliskis ang mga Isda? Noong unang panahon, ang isang magsasaka at ang asawa nito ay biniyayaan ng isang napakagandang anak. Dahil sa kanyang ganda, siya ay alagang-alaga ng kanyang mga magulang at hindi ito pinagagawa ng kahit anong trabaho. Isang araw, habang pinagmamasdan ng dalaga ang kanyang repleksyon sa ilog, biglang nagpakita ang pinuno ng mga alimasag at binigyang hanga ang dalaga dahil sa kanyang ganda. Nagulat ang dalaga at ipinagtabuyan ang pangit na alimasag. Dahil dito, nagalit ang pinuno ng alimasag at isinumpa ang dalaga na maging isda at magkaroon ng maraming kaliskis. Ang kwentong ito ay isang paalala na ang kagandahan ay walang halaga kung ang ugali naman ay masama.  Bilang mga magulang, nais natin bigyan ng masayang karanasan ang ating mga anak lalo na pag sila ay natututo ng mga mabubuting aral. Ang pagkukwento ng kwentong bayan ay isang paraan upang sila ay maturuan ng mabuting asal sa paraan na mas maintindihan, hahangaan, at magugustuhan nila! Souces: ph.theasianparent.com, philnews.ph Image sources: tirachardz from Freepik, azerbaijan_stockers from Freepik, pch.vector from Freepik, jcomp from Freepik

READ MORE
5 Important Things Your Child Needs From You

October 28, 2021

As mothers, our most valuable assets are our family -- particularly our children.  Some of the many joys of being a mom is seeing your child confident, happy and growing up to be a good person. But providing basic needs wouldn’t be enough for them to achieve these things. Being a mother means taking on the role of providing the needs of a child. Apart from giving them their basic needs like food, shelter, and clothing, there are things that a mother should give their child. Parenting requires finding balance between providing their most basic needs and giving them the following things your child needs from you 1. Understanding In life, not a lot of people will understand who you truly are. As a mother, you must give your child the understanding they need. Children always need to be understood, not just as your child, but also as an individual. Part of being an effective parent is to understand what your child is feeling, their personal ideas and their opinions. In that way, you can better communicate with your child and will be able to provide and address what they need. No matter who they are and who they become, understanding your child can help them develop their own self-esteem to give a positive impact on their growth as an individual.  2. Support and Encouragement When children are surrounded by love and support, they gain confidence and positive social behaviors. Supportive parenting does wonders on how your child would grow and develop as an individual. Providing your child with emotional support they need and by letting them know that you are their safety net, could encourage their trust, respect, self-esteem and, ultimately, independence. When your child feels that you are confident in them, they become naturally more confident in themselves. : Image from Freepik/prostooleh 3. Kind and Affirmative Words Talking to your child using kind, affirmative, and encouraging words could help them develop a positive self-esteem. Encouragements are naturally confidence and self-esteem boosters, encouraging your child with kind and affirmative words can help them build confidence and courage to face life as it is. It means the world to them to have a supportive parent that can uplift and inspire them.  4. Validation and Acceptance Children need validation as much as we do and it is one of the many things every child needs from their mom.  Understanding that each child is different and is their own person is a start. They are not like us, not like their siblings, and not even like other children. Accepting them as who they are is another important thing. As a supportive mom, you have to validate your child as different and unique as they are and accept them wholeheartedly for what they are and for what they are not. Image from Freepik/pch.vector 5. Guidance A child is born into this world without any understanding of it. As their parents, they depend on you to show them how to live. You have this role to teach your child what is right from wrong and the right and values a good person should possess. As parents, we want them to grow into the best they can be. Allow your child to explore the world and make their own decisions with a little guidance from you as their mother and most important role model. As your child grows and goes through different stages, providing them with these things can help them be a better person and eventually become successful kids,. We all want the best for our children and being there to support, understand, affirm, validate and guide them is what every mother should do for their child. After all, nothing compares to a mother’s unconditional love and presence.  Sources: childrenscolorado.org, huffpost.com

READ MORE

Subscribe Now!

Receive email updates from Moms for Moms.