Breast Milk Supply: Paano Mo Ito Sisimulan?

Admin
August 23, 2022


article image

  •  

    Kung kasalukuyan kang nagbibreastfeed sa anak mo, siguro ay alam mo na ang iba’t ibang benefits nito. Ang breast milk ay likas na supply ng nutrisyon para sa mga sanggol. Bilang mga bagong ina na nagpapa-breastfeed, maaari kayong magtaka minsan kung bakit parang walang laman ang ating mga suso at mas madalas na nagdadala ng gatas sa bibig ng sanggol kaysa dati. Don’t worry, hindi ka nag-iisa, Ito kadalasa’y nararanasan ng maraming ina at maaaring sanhi ng pagbabara sa iyong breast milk ducts. Kaya naman pag ikaw ay isang breastfeeding mom, nakakatulong ang pag iimbak ng breast milk para hindi ma deprive si baby kung sakaling ika’y maubusan o manghina ang supply ng iyong breast milk.

     

    Ano Ang Breast Milk Supply? 

     


    Image from Free to Feed

     

    Ang breast milk supply ay ang dami ng gatas na iyong ginagawa at pwede rin ang pagtukoy sa paggawa ng breast milk at ang pag-iimbak nito. Kung madalas kang mag breastfeed, maaari mong mapansin na ang iyong suplay ng breast milk ay minsan bumababa at kapag ikaw ay nagpupump. In this case, mahalagang malaman mo kung ano ang sanhi ng pagbaba ng supply para makapaghanda ka nang maaga at gaano kadalas o kadami ang kailangon mong imbakin para kay baby.

     

    The Benefits of Having a Breast Milk Supply

     

    Ang breast milk ay isang source sustansya para sa iyong sanggol. Naglalaman ito ng iba’t ibang protina, bitamina, minerals, at enzymes na kailangan ng mga baby. Nakakatulong din ito sa pagpapalakas ng immune system ng iyong anak. Ang mga benepisyo ng pagkakaroon ng breast milk supply ay marami, pero ang pinakamahalaga sa paghahanda ng breast milk supply ay ang pagiging available nito kapag kailangan na ng iyong baby dahil nag stock ka.

     

    Tips for Starting a Breast Milk Supply

     

    Estimate How Much Breast Milk You Need

     

    Ang pinakamahalagang tanong sa pagsisimula ng breast milk supply: gaano karami ang gatas na kailangang inumin ni baby sa araw-araw? Some babies need to be fed in small, frequent amounts; ang iba nama’y marami uminom ngunit hindi ganoon kadalas. Mahalagang malaman kung gaano karami at gaano kadalas kailangang mapasuso si baby para matantsa mo ito nang maayos, para mas maging organized din ang amounts na ilalagay sa supply.

     

    Start Pumping Early

     

     

    Mas madaling simulan ang pagpupump ng maaga sa pamamagitan ng paghahanda the night before. Napaka-efficient nito dahil kinabukasan, hindi mo na kailangang mag-alala dahil nakapaghanda ka na ng breast milk supply ni baby. Nakakatulong ito dahil mas nao-organisa ang schedule mo at ang feeding schedule na rin ni baby. Mas magkakaroon ka rin ng peace of mind dahil siguradong ready ka at fed si baby.

     

    Mag-isip ng Paraan Para Makapag-save ng Gatas

     

    Mag-isip ng paraan para makatipid ng breast milk. Pagkatapos, ay mag-isip ng higit pang mga paraan upang makatipid pa ng breast milk. Kung gusto mong mag-imbak ng breast milk supply para kay baby, dapat mong alamin ang iba’t ibang mga paraan upang gawin ito at maiwasang masira ang iyong supply dahil hindi ito naayos o nailagay sa tamang lalagyan. Maaari mong gawing i-freeze ang iyong breast milk para ma store mo ng mas matagal o mag-research ka ng iba pang paraan sa pag store nito na maiwasan ang pagkasira ng breast milk.

     

    Go Easy on Yourself

     

    Hindi ka maaaring maging expert kaagad when it comes to being a mother and storing breast milk supply. Kailangan mong i-expect na magkakamali o mahihirapan ka at some point. However, do not be too hard on yourself. Inaaral mo pa rin lang ang mga bagay na ito. Habang ikaw ay nasa proceso ng pag-intindi paano gawin ng mabuti ang pag store ng breast milk supply o ang pag breastfeed mismo, alagaan mo ang iyong sarili at unawain. Hindi man madali ang proseso, hindi ibig sabihin ito ay hindi mo na kakayanin. 

     

    Mas mabuti na ikaw ay makapaghanda sa kung ano mang kailangan ni baby, lalo na ang breast milk na ang only food source at nutrition ng iyong sanggol. Mahirap man sa simula, ito pa rin ay isang mainam na solusyon para sa maraming ina. Ang pagkakaroon breast milk supply ay isa sa pinakamagandang bagay na magagawa mo para sa kalusugan ni baby mo at sa iyong sarili. Ugaliin din nating kumonsulta sa doktor upang mas magabayan tayo sa paghahanda at sa pagsusustain sa nutritional needs ni baby.

     


    Image from MustBestMom

     

    Kaya mo ‘yan, mommy!

     

    Sources: