Toddler Emergency: What to do When Your Child Gets Curious with Foreign Objects

Admin
August 30, 2022


article image

  • Mahirap malaman kung paano mag-react kapag na-curious ang iyong kids sa mga bagay bagay. So paano nga ba natin sila matutulungang mag-explore at matuto? Para sa mga maliliit na bata, ang pag-usisa ay madalas na nagpapakita ng sarili sa anyo ng paggalugad ng mga bagong bagay. Palagi silang nag-aaral at naghahanap ng susunod na bagay na dapat tuklasin. Kaya kung ang iyong anak ay nagiging interesado sa mga bagay bagay, narito ang kailangan mong malaman at ang mga dapat gawin.

     

    The Risks of Letting a Leaving a Child to Their Own Devices

     

    Gustong-gusto ng mga bata na maglaro ng mga laruan, at gusto ng mga magulang na hayaan sila, ngunit hindi maiiwasan ang mga risk sa paglalaro. Matanda man o bata, ang mabulunan ay isang posibleng emergency na maaaring mangyari sa sinuman. Bukod pa rito, kabilang ito sa mga nangungunang sanhi ng hindi sinasadyang pagkamatay ng bata. Ang panganib na mabulunan ng isang bata sa maliliit na laruan o pagkain ay magiging panganib kung hahayaan lamang natin sila. Narito ang limang pagkain at limang bagay na hindi mo dapat iwan sag bata kung hindi mo mababantayan.

     

     

    Mga pagkaing dapat iwasang ibigay:

     

    • Popcorn at chips
    • Matigas na candies
    • Pakwan na may mga buto
    • Nuts (mani, almonds, pistachios)
    • Mga hilaw na gulay, lalo na ang matigas

     

    Mga bagay na dapat ilayo sa mga bata:

     

    • Mga baterya at mga magnets
    • Mga laruan na may small parts
    • Marbles at iba pang small balls
    • safety pins, paperclips, at push pins
    • Mga alahas tulad ng singsing, hikaw at iba pa

     

    Tips for Properly Nurturing Curiosity in a Child

     

    Keep Small Objects Out of Reach

     

    Make sure na hindi maabot ng kids ang maliliit na mga bagay. Ang likas na pagkamausisa ng mga bata ay humahantong sa pagnanais magtuklasan ang lahat ng kanilang makakaya tungkol sa kung ano-anong nasa paligid nila. Upang makamit ito, mainam na sila’y mabigyan ng pagkakataong matuto with parental guidance.

     

    Make Mealtimes Safe but Engaging

     

    Ang meal times ay isang magandang pagkakataon upang i-engage ang iyong mga anak sa pagkatuto. Maraming mga pagkakataon upang obserbahan at hayaan ang mga bata sa kanilang sariling mausisa at mapaglarong paraan. Pwede mong i-feed ang kanilang curiosity during meals, kagaya ng pagsasama-sama ng mga makukulay na pagkain o mga kubyertos na matututunan nilang gamitin.

     

     

    Be Open to Questions

     

    Ang curiosity ng mga bata ay isa sa pinakamahalagang katangian na maaari mong malinang sa iyong anak. Bilang magulang, kailangan mong maging bukas sa kanilang mga tanong at pasiglahin ang kanilang pagkamausisa. Mahilig matuto at magtanong ag mga bata, lalo na kapag sinasagot ito sa paraang kawili-wili. There are ways to nurture their curiosity through a safe, immersive, and educational manner.

     

    Let Them Explore 

     

    Hayaan mong makapag-explore at panatilihing ligtas ang iyong mga anak sa ginagawa. Maraming magulang ang natataranta agad kapag nakikita nilang curious at magalaw ang kanilang mga kids. Mommies, relax lang– their curiosity is a vital element to the learning process. Bigyan mo sila ng ilang oras upang makaintindi at huwag mo silang masyadong pagbawalan maglaro.

     

    Allow Them to Be Kids

     

    Let your kids be kids! Ang higit na kalayaan at ang pagpapahintulot sa kanila, ay tumutulong upang sila ay lumaking self-reliant at confident. Siguraduhin na hindi mo masyadong hinihigpitan ang iyong sarili at ng iyong anak sa kung ano ang dapat na ginagawa nila. Minsan lang sila maging bata, kaya’t mabuting hayaan silang ma-enjoy ang pagkabata nila.

     

    Ang pagiging curious ng mga bata ay isang natural na yugto kung saan ini-explore nila ang kanilang kapaligiran, at ang masaktan ay hindi naman palaging ang pinakamasamang bagay na nangyayari. Ang importante, alam mo kung papaano maiwasan ang malalang mga bagay na maaaring mangyari habang nagbibigay-daan sa mga bata na magsaya at matuto sa mga bagay na natuklasan nila mismo.

     

    SOURCES: