Understanding your Ovulation Calendar

Admin
September 3, 2022


article image

  • Mahalagang alamin ng isang babae ang kanyang ovulation calendar. Ito’y nakatutulong sa pagconceive o sa family planning para makaiwas sa pagbubuntis. Kadalasan, ito’y nakabatay sa haba ng iyong menstrual cycle at nagsasaad ng expected window for ovulation. 

     

    May kahirapang kalkulahin sa simula ang sariling ovulation calendar, sapagkat hindi naman lahat ng babae ay mayroong regular menstruation. Huwag kayong mag-alala, mommies! Narito ang ilan sa mga paraan para malaman ang ovulation calendar mo.

     

    Ano Ang Ovulation Calendar?

     

    Ang Ovulation Calendar ay ginagamit para matrack ang menstrual cycle. Makatutulong din ito sa pagtukoy sa mga araw na pinaka-fertile ang isang babae. Maari ito gawin nang mano-mano, o di kaya’y sa pamamagitan ng mga mobile apps at website para dito. 

     

    Image from Mommy Blogger Sigrid

     

    Ang karaniwang haba ng isang menstrual cycle ay 28 days. Ovulation ang tawag sa proseso kung saan naglalabas ng itlog ang obaryo, na kadalasa’y nagaganap sa loob ng 14 days bago magsimula ang menstruation. Ang mga pinaka-fertile na araw ng isang babae ay pumapatak sa five days before ovulation at sa araw ng ovulation. Mas maliit ang chance na mabuntis bago ng mismong menstration at bago ito. 

     

    Paano Icalculate ang Ovulation Schedule 

     

    Mas madaling magcalculate ng ovaulation schedule kapag gumamit ng isang application para dito. Pero puwede din itong gawin manually upang malaman kung ano ang ating mga most fertile days. 

     

    Simulan ito sa pagtake note kung ano ang average length ng iyong menstrual cycle. Para magawa ito, itrack ang iyong susunod na mga cycle mula sa araw na nagsimula ito. Bilangin din ang mga araw sa pagitan ng iyong susunod na period. Pagkatapos ng tatlong buwan, iadd ang mga araw na iyon at idivide by 3 para makuha ang average length ng iyong menstrual cycle. 

Para naman mapinpoint ang iyong fertile days, inote lamang ang start ng iyong period at magbilang ng 14 days. Ang ovulation ay karaniwang nanyayari sa loob ng 14 days bago ang period. 

 

3 Best Apps Para Matrack ang Ovulation Calendar

 

While you can track your Ovulation Calendar manually, mas madaling gumamit ng mga app at website para dito. Puwede rin itong gamitin bilang reference para makita kung accurate ba ang manual records ng menstruation na iyong ginawa. 

 

Ito ang tatlong best mobile apps na maaaring i-install sa mga smartphone para matrack ang ating Ovulation Calendar: 

 

Flo Period & Ovulation Tracker

 

Image from Nixalina

 

Ang Flo Period & Ovulation Tracker ay isa sa most recommended apps para sa pagtrack ng Ovulation Calendar. It’s a simple and smart app that allows you to track your period, ovulation, and fertility in one convenient place. Nagbibigay din ito ng karagdagang impomasyon tungkol sa iyong mga fertile days at tumutulong sa pagtrack ng iyong PMS symptoms, period, at cycle. 

 

Glow 

 

Image from Android Authority

 

Ang Glow ay isang free menstrual and ovulation calculator na may karagdagang Basal Body Temperature (BBT) chart na nagsasaad ng iyong period dates, symptoms, moods, at medications. Ito ay madaling gamitin para sa lahat ng babae, dahil nagbibigay ito ng sapat na information na kailangan ninyong malaman ukol sa ovulation cycle. Nagbibigay din ito ng support para sa mga babae na sumasailalim sa mga treatment tulad ng IVF or IUI. 

 

Ovia Fertility & Cycle Tracker

 

Image from Android Authority

 

Ang Ovia ay isang app na nagrerecord ng mga bagay tulad ng iyong cycle type, length, pati ang cervical fluid. Nagbibigay din ito ng fertility score na nagsasabi ng likelihood ng pagcoconceive mo ng araw na iyon. Ovia is developed by Harvard scientists and is hailed as one of the most precise apps for tracking the periods of its users. Unlike Flo and Glow which might have in-app purchases, Ovia is entirely free. 

 

Accurate ba ang mga Ovulation Calendar?

 

Ang mga Ovulation Calendar ay base sa iyong average cycle. Ngunit maari din itong magvary from cycle to cycle. There is no “accurate” ovulation calendar because they are based on averages and despite having regular periods, maari pa din itong magiba-iba. 

 

Ang Ovulation Calendar ay nagsisilbing guide lamang para makapagbuntis o makaiwas sa pagbubuntis ng isang babae. Mainam pa din na magconsult sa isang medical professional para sa magkaroon ng sapat na guidance kung sinusubukan ninyong magbuntis. 

 

Mga mommies, mahalagang malaman natin o matrack natin ang ating mga Ovulation Calendar – especially if you’re trying to or trying not to conceive. This helps give women a better understanding of their periods and themselves throughout their cycles to make them more aware of what goes on with their bodies as they undergo their period. It’s helpful to keep an Ovulation Calendar around so that we can also provide our doctors with information regarding our menstrual cycles if need be. 

 

Sources: